MENSAHE PARA SA MGA KAWANI NG PAMAHALAAN PARA SA ARAW NI BONIFACIO
Tagapangulo Karlo A. B. Nograles
Komisyon sa Serbisyo Sibil
Ngayong araw ay ginugunita natin ang araw ng kapanganakan ng Ama ng Himagsikang Pilipino, ang “Supremo” o pinuno ng Katipunan, si Andres Bonifacio.
Sa natatanging okasyon na ito, hinihimok ko ang lahat ng lingkod bayan na sariwain ang mga aral ng pakikibaka ng ating mga bayani tungo sa kalayaan. Bagama’t ang pagsisilbi sa bayan sa makabagong panahon ay may kalakip na ibang uri ng mga hamon at kaaway, tinatawagan tayo na tularan ang mga pagpapahalaga na ibinahagi sa atin ni Bonifacio—ang pagmamahal sa Diyos at bayan, katapangan, maayos na pamumuno, at determinasyon upang malagpasan ang mga hamon ng buhay.
Nawa’y ang pamana ni Bonifacio ay magpatuloy sa atin, mga kapwa ko lingkod bayan, habang pinaglilingkuran natin ang ating mga kapwa Pilipino nang may buong husay, katapatan, at dedikasyon. Magkaisa tayo tungo sa pagkamit ng ating iisang adhikain na mas masagana at mas inklusibong kinabukasan.
Hangad ko ang isang makabuluhang paggunita ng Bonifacio Day para sa lahat.
Panuorin: https://www.youtube.com/watch?v=v4c8ekRuxzc
------------------------------
MESSAGE TO CIVIL SERVANTS ON BONIFACIO DAY
Chairperson Karlo A. B. Nograles
Civil Service Commission
Today, we commemorate the birth of the Father of the Philippine Revolution, the Supreme Leader of the Katipunan, Andres Bonifacio.
On this special occasion, I urge all civil servants to reflect on the lessons gained from our heroes’ struggle for freedom. While modern-day public service presents a different set of hardships and adversaries, it calls on us to adhere to the same values as Bonifacio had—love of God and country, courage, good leadership, and determination to rise above the challenges in life.
May his legacy live on through us, civil servants, as we serve our fellow Filipinos with utmost dedication and commitment to excellence and integrity. May we unite and work in harmony toward achieving our common vision and desire of a more prosperous and more inclusive future.
I wish everyone a meaningful Bonifacio Day celebration.
Watch: https://www.youtube.com/watch?v=LdiBPmSXHFQ