Menu

Read the full text of Guidelines on the Grant of Parental Leave to Solo Parents (CSC Memorandum Circular No. 8, s. 2004)

Sino ang pwedeng mag-avail ng parental leave?

Sa pamahalaan, entitled sa parental leave ang mga sumusunod:

• Babaeng empleyado na nagsilang ng anak na bunga ng rape, kahit wala pang hatol sa offender o nagkasala (dapat kupkupin at palakihin ng babaeng empleyado na ito ang bata);
• Magulang na naiwang mag-isa sa pagpapalaki ng kanyang anak dahil sa pagkamatay ng asawa, pagkakakulong ng asawa, pagkabaliw ng asawa, legal separation, annulment ng kasal, o pag-abandona sa kanya ng asawa ng hindi bababa sa isang taon;
• Sinumang may anak ngunit hindi kasal at nais na kupkupin ang kanyang anak imbis na ipa-alaga ito sa iba;
• Sinumang mag-isang nagbibigay ng parental care and support sa isa o higit pang bilang ng bata (ang taong ito ay kailangang may kaukulang lisensya bilang foster parent mula sa DSWD o kaya ay duly appointed legal guardian ng korte);
• Family member na nagsisilbing head of the family bunga ng pagkamatay, abandonment, disappearance o prolonged absence ng mga magulang na tumagal ng isang taon.

Para makapag-avail ng parental leave, dapat ang isang solo parent ay nakapag-serbisyo na sa pamahalaan nang hindi bababa sa isang taon, regardless of employment status (i.e. permanent, casual, temporary).


Naga-apply rin ba ito sa mga solo parents na lalake?

Oo. Babae man o lalaking solo parent, basta pasok sa criteria na nabanggit, ay maaaring bigyan ng parental leave.


Bakit binibigyan ng batas ang mga solo parents na magkaroon ng special leave benefits?

Mahalaga para sa bawat magulang na magkaroon ng sapat na panahon para sa kanilang mga anak, ngunit hindi ito madali kapag sinasabayan ito ng mga obligasyon sa trabaho. Ano pa kaya kung ikaw ay nag-iisa lang sa pagpapalaki ng anak?

Binibigyan ng parental leave ang mga solo parents sa pamahalaan upang magkaroon sila ng higit na panahon para gampanan ang parental duties nila, lalo na sa mga sitwasyon na hinihingi ang kanilang physical presence.


Ilang araw ang ibinibigay na parental leave? Sa aling mga pagkakataon ito pwedeng gamitin?

Pitong (7) araw sa isang taon ang ibinibigay na parental leave ayon sa guidelines ng CSC. Pwede itong ma-avail sa mga sumusunod na pagkakataon:

• Personal milestones ng bata (i.e. kaarawan, first communion, graduation);
• Pagdalo sa PTA meetings or school programs;
• Pag-asikaso sa medical, social, spiritual and recreational needs ng bata;
• At iba pang circumstances kung saan required ang physical presence ng tumatayong magulang.


Paano ang proseso ng pag-avail nito?

• Kumuha ng Solo Parent Identification Card mula sa City or Municipal Social Welfare and Development Office. Ang ID Card na ito ay valid for one year at renewable kada taon.
• Sagutan ang CS Form No. 6 at i-submit ito kasama ng certified true copies ng Solo Parent ID at birth certificate ng bata (at least one week prior to availment)
• Mandatory ang approval ng application for parental leave mula sa Head of Office/Agency basta valid at nasunod lahat ng conditions at requirements.


Paid leave ba ito?

Opo, ibig sabihin makakakuha ng sweldo ang solo parent sa mga araw na pinili niyang i-avail ang kanyang parental leave.


Paano kung hindi naubos ng solo parent ang pitong araw na special leave niya, maaari pa ba itong gamitin sa susunod na taon?

Hindi, forfeited na ito.


Paano kung ang isang solo parent ay nakapag-asawa, maaari pa ba siyang mag-apply ng parental leave?

Mate-terminate ang parental leave kung nagkaroon ng pagbabago sa status o sa sitwasyon ng pamilya ng isang solo parent. Halimbawa, nag-asawa siya o ang responsibilidad ng pagpapalaki sa bata ay nailipat na sa kamag-anak o sa isang welfare institution.

CSC Quick Survey

Dear Visitor,

Thank you for visiting the official website of the Civil Service Commission. Before you can proceed with the download, may we ask you to help us out on a survey for us to better improve our services.